
Isang babaeng South Korean national ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagkaka-sangkot nito sa multi-million dollar na real estate investment scam.
Sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), nakilala ang pugante na si Kim Jeonjung, na inaresto ng fugitive search unit (FSU) sa kaniyang tinutuluyan sa Paranaque City.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, humingi ng tulong sa kanila ang South Korean government para tugisin at ipadeport pabalik sa kanila ang pugante.
Noong nakaraang taon nang maglabas ng red notice ang Interpol laban kay Kim dahil sa warrant of arrest na inisyu ng Suwon District Court sa Korea sa kaniyang kasong fraud.
Umabot sa mahigit limang milyong dolyar ang kanilang nakuha sa panloloko sa pamamagitan ng lease deposits.
Napag-alaman pa na overstaying na pala ang naturang dayuhan na dumating noon pang December 2023.
Sa ngayon, nakapiit si Kim sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation proceedings.