DBM at DILG, inatasang bumuo ng mga patakaran at mekanismo sa pamamahagi ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 3

Nanawagan si Ako Bicol party-list Representative Alfredo Garbin sa Department of Budget and Management (DBM) at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na simulan na ang pagbuo ng rules and mechanisms para sa disbursement ng panukalang Bayanihan 3.

Kasunod ito ng pag-apruba sa panukala ng tatlong komite sa Kamara kung saan nakapaloob ng P405.6 bilyong pondo para sa pagbangon ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Sabi ni Garbin, mainam na hanapan agad ng paraan ng DBM kung paano maipapamahagi ang ayuda direkta sa mga benepisyaryo.


Aniya, nais lamang nila ang pinakamahusay at pinakamabilis na paraan para maihatid ang tulong sa mga Pilipino.

Facebook Comments