Binalaan ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko sa ilang indibidwal na nakikipagtransaksyon sa unverified email addresses gamit ang pangalan ni Secretary Amenah Pangandaman.
Sa abiso ng DBM, ang ginagamit na email address na amenahfpangandaman@gmail.com ay hindi miamo sa kalihim.
Sinabi pa ng DBM, hindi gumagamit ng unverified email address si Pangandaman para makipag-ugnayan kaninoman.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang DBM sa mga awtoridad para magsagawa ng imbestigasyon at matukoy ang gumagawa nito.
Hinimok din ng DBM ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan sakaling may malaman na ganitong uri ng insidente.
Facebook Comments