Sinagot ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon ng umano’y mishandling sa 2024 budget na isa sa mga rason ng kanyang pagbibitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Sa ambush interview sa Malacañang, ipinaliwanag ni Pangandaman na may sinusunod silang proseso kapag pinag-uusapan ang National Expenditure Program (NEP).
Nakasalalay rin sa Kongreso ang anumang adjustment sa ipinapasang pondo ng pamahalaan bago maging General Appropriations Act.
Nirerespeto raw ng DBM ang wisdom o kaalaman ng mga mambabatas kung repasuhin man nila ang magiging budget.
Kung tutuusin, sinabi ng kalihim, tumaas pa nga ang budget ng DepEd ngayong taon sa ₱715 billion, mula sa ₱711 billion noong 2023.
Facebook Comments