DBM, dinipensahan ang budget ng DHSUD

Iginiit ng Department of Budget and Management (DBM) na ang proposed ₱3.68 billion budget ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa susunod na taon ay nakalaan para sa policy-making at regulation.

Ang DHSUD ay isinusulong ang ₱76 billion para sa mga proyekto at programa nito para sa susunod na taon pero nasa ₱3.6 billion lamang ang inaprubahan ng DBM.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, ang trabaho lamang ng DHSUD ay pagbuo ng plano, paglikha ng mga polisiya, pagpapatupad ng regulasyon at pagbabantay sa lahat ng housing, human settlement at urban development.


Ibig sabihin, hindi sakop ng ahensya ang pagtatayo ng affordable housing, na responsibilidad ng National Housing Authority (NHA).

Iginiit din ni Avisado na hindi maaaring ikumpara ang budget ng DHSUD sa pondong nakalaan sa confidential at intelligence funds.

Ang DSHUD ay itinatag sa ilalim ng Republic Act 11201.

Facebook Comments