Dumipensa ang Department of Budget and Management sa pahayag ng mga senador na iniipit umano nila ang pondo para sa mga proyekto sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act.
Matatandaang inilagay ng DBM bilang “for later release” ang pondong nagkakahalaga ng tinatayang P160 bilyon pero nakatakda itong ma-expire sa darating na katapusan ng Disyembre.
Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Budget Secretary Wendel Avisado na wala sa kanila ang desisyon kung papayagan nang ilabas ang pondo kundi nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, ang mga proyektong ito kasi ay hindi nagmula sa ehekutibo kung kaya’t kinakailangan muna itong sumailalim sa masusing pag-aaral bago aprubahan ng Office of the President.
Facebook Comments