DBM, handang makipag-dayalogo sa gitna ng mga isyu sa kanilang Procurement Service

Bukas ang Department of Budget and Management (DBM) na makipag-dayalogo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga mambabatas at stakeholders may kaugnayan sa mga isyung kinakaharap ng Procurement Service (PS-DBM).

Ito ang sinabi ni DBM Usec. Joselito Basilio bilang sagot sa mga panawagan na buwagin na ang PS-DBM makaraang muling madawit sa pagbili ng umano’y mahal pero outdated na laptops para sa mga guro.

Sa economic forum, sinabi ni Basilio na bukas sila sa mga pagbabago upang mapagbuti ang mga proseso at mapahusay ang paghahatid ng mga serbisyo sa publiko.


Sinabi pa ng opisyal na ang direktiba ng bagong-talagang PS-DBM executive director na si Dennis Santiago ay ang agarang suspensyon ng pagbili ng non-common-use supplies and equipment (NCSE).

Nauunawaan daw ni Santiago ang panawagan ng mga mambabatas na buwagin ang PS-DBM.

Pero, kailangan aniyang timbangin ang bagay na ito dahil may mga tapat at masisipag na mga empleyadong matagal nang nagtatrabaho sa nasabing opisina.

Facebook Comments