DBM, hinimok na ibigay ang umento sa sahod ng mga gov’t workers

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Ping Lacson na maaari ng maibigay ang umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno kahit hindi pa naisasabatas ang proposed 2019 National budget.

Ayon kay Ping Lacson, maaari namang ibigay ang umento sa sahod sa pamamagitan ng Executive Order number 201 ni dating Pangulong Noynoy Aquino na nag-utos ng bagong salary schedule at umento para sa mga kawani ng gobyerno.

Tinukoy rin ng senador ang Joint Resolution number 1 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa umento sa sahod ng mga military at uniformed personnel.


Giit pa ni Lacson, maaari ring pagkunan ng umento ng gobyerno ang P99.46 bilyon na pondo noong 2018 para sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF).

Facebook Comments