DBM, ilalabas na ngayong araw ang Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation para sa one-time financial assistance sa Metro Manila at apat na karatig lalawigan

Ilalabas na ngayong araw ng Department of Budget and Management ang Special Allotment Release Order (SARA) at Notice of Cash Allocation (NCA) para sa one-time financial assistance sa mga mahihirap sa Metro Manila at karatig-lalawigan na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma ni Budget Secretary Wendell Avisado na diretso nang ihuhulog ng Bureau of Treasury sa account ng mga Local Government Unit (LGU) ang nasabing pondo para agad na maipamahagi sa 22.9 million low-income individuals.

Paglilinaw ni Avisado, nakadepende na sa mga LGU kung “in kind o cash” ang P1,000 na ayuda sa bawat indibiduwal.


Nabatid na ang benepisyo ay limitado lamang para sa apat na indibidwal kada pamilya.

Facebook Comments