DBM, inaprubahan na ang bilyon pisong pondo para sa proyekto upang magkaroon ng malinis na tubig ang malalayong komunidad sa bansa

Courtesy: Department of Budget and Management

Inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng pondo para sa pagpapatayo, pagpapalawak at pag-upgrade ng water, sanitation, and hygiene (WaSH) projects ng pamahalaan.

Aabot ng P1 bilyon ang pondo na kukunin mula sa Local Government Support Fund-Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting sa ilalim ng Fiscal Year 2024 General Appropriations Act o Republic Act No. 11975.

Layunin nitong pabilisin ang pag-access sa ligtas at matatag na suplay ng tubig at serbisyo sa sanitasyon sa mga malalayong na bayan sa pakikipagtulungan sa mga local civil society organizations (CSOs).


Saklaw ng programa ang 75 municipal local government units (LGUs) na magiging benepisyaryo ng proyekto sa buong bansa.

Pagsasamahin at inendorso ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa DBM ang listahan ng mga kwalipikado at compliant projects para sa pagre-release ng naturang pondo.

Facebook Comments