DBM, iniimbestigahan na ang isang PPE supplier na kabilang umano sa blacklisted companies – Malacañang

Pag-aaralan ng pamahalaan ang posibleng kanselasyon ng kontrata ng isang supplier ng Personal Protective Equipment (PPE) kapag napatunayang kabilang ito sa blacklisted companies.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iniimbestigahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang Ferjan Healthlink Philippines Inc. na pagmamay-ari ng Ferjan Healthlink Enterprises na kasalukuyang pinagbabawal na makilahok sa government procurement.

Idinulog na niya ang kasong ito kay Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao, Officer-in-Charge ng Procurement Service ng DBM.


Una nang sinabi ni Roque na kakausapin niya ang DBM hinggil sa mga ulat na mayroong tatlong kumpanya ang nakakuha ng deal sa pamahalaan para mag-supply ng PPE para sa mga healthcare workers sa kabila ng pagiging blacklisted dahil sa pagkakaroon ng bidding at contract offenses sa mga nakaraang government projects.

Facebook Comments