DBM, inilabas na ang higit limang bilyong piso para sa 9.8 milyong beneficiaries ng Targeted Cash Transfer Program

Inaprobahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang paglalabas ng Special Allotment Release Order na aabot sa P5.2 billion pesos para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang halagang ito ay para sa ikatlong tranche ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program na mapapakinabangan ang nasa 9.8 million identified beneficiaries.

Ang 5.2 bilyong piso na pondo sa TCT program ay bahagi ng 9.1 billion na computed requirement para mapunan ang one-month grant para sa 9.8 million identified beneficiaries at three-month grants para sa additional 2.6 million beneficiaries ng nasabing programa.


Sa ilalim ng TCT Program, 5 daang piso kada buwan ang matatanggap ng bawat beneficiary na tatagal ng hanggang anim na buwan.

Sinabi ni Pangandaman na mahigpit ang bilin mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na huwag pabayaan ang mga nangangailangan at gagawin aniya ng pamahalaan ang lahat upang patuloy na makatanggap ng benepisyo ang mga karapat-dapat na makatanggap nito.

Facebook Comments