DBM, Inilabas na ang karagdagang P888-million na pondo para sa SRA ng mga healthcare workers

51

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang karagdagang ₱888.12 million na pondo para sa Special Risk Allowance (SRA) ng mga healthcare workers na nasa pampubliko at pribadong sektor.

Sa isang pahayag, sinabi ng DBM na nakalaan ito sa mga health workers na nag-aasikaso sa mga COVID-19 patients mula noong Disyembre 20, 2020 hanggang nitong Hunyo 30, 2021.

Ayon sa DBM, kinuha ang pondo mula sa miscellaneous personnel benefits fund at unprogrammed appropriations sa ilalim ng General Appropriations Act ngayong taon.


Dahil dito, umabot na sa kabuuang ₱1.2-billion ang nailabas na pondo ng DBM para sa sra ng mga health workers.

Facebook Comments