DBM, inilabas na ang P1.8 bilyong Quick Response Fund para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 1.8 bilyong pisong Quick Response Fund (QRF) sa ilang government agencies na gagamitin sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa DBM, P139.68 million sa nasabing pondo ay napunta sa Office of Civil Defense (OCD), habang ang P662.50 million ay napunta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabigyan din ng pondo ang Philippine National Police (PNP) na nasa P25 million.


Kasabay nito, P1 billion naman ang inilaang pondo ng DBM para sa mga LGU na naapektuhan ng bagyo na ipinamahagi sa; Region 4-B, Region 6, 7, 8, 10 at Caraga Region.

Kinuha ang pondo mula sa calamity fund ng gobyerno.

Samantala, aabot sa P950 milyon ang ibinigay pang donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas para sa relief efforts nito.

Hanggang kahapon, umakyat na sa 397 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyo sa bansa kung saan 83 ang nawawala.

Facebook Comments