DBM, inilabas na ang pondo para sa itatayong gusali sa NKTI

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM), ang pondo para sa pagpapatayo ng gusali ng Out-Patient Department (OPD) ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Ayon kay DBM Secretary Mina Angandaman, aprubado na ang Special Allotment Release Orders (SAROs) na nagkakahalaga ng ₱550 million para sa naturang proyekto.

Sinabi ng kalihim, ang pondo ay gagamitin sa pagpapatayo at pagpapalaki ng 8-storey OPD Building na dinesenyo bilang one-stop shop para sa social services, kasama na rito ang diagnostic at surgical facilities.


Sa kabuuan, ang nasabing pasilidad ay nagkakahalaga ng higit ₱1.3 bilyon.

Iginiit ni Pangandaman, na tumatalima lang sila sa layon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan nais niya ma ang bawat Pilipino ay hindi dapat mapagkaitan ng mataas na kalidad na health care.

Nais rin ng Pangulong Marcos, na maipagpatuloy ang pagpraprayoridad sa health care facilities lalo na sa specialty hospitals tulad ng NKTI.

Facebook Comments