Mailababas na ngayong araw ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱2.5-B na pondo para sa fuel subsidy ng mga tsuper ng pampublikong transportasyon.
Ayon kay DMB acting Secretary Tina Rose Canda hanggang ngayong hapon ay baka maihabol na mailabas nila ang pondo.
Aniya, nakumpleto na kasi ang mga kailangang dokumento at pino-proseso na lamang ang aktwal na pagpapalabas nito.
Ibababa ang pondo sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sila na ang bahala na mamigay ng ayuda sa mga benepisyaryo.
Kabilang sa mga makatatanggap ng fuel subsidy ang mga operator at driver ng jeep, bus, UV Express, TNVS, tricycle at delivery services na may mga lehitimong prangkisa.
Nabatid na ₱6,500 ang subsidiyang matatanggap sa bawat isang unit na ipapasok sa pantawid pasada cards.