Maglalabas ulit ang Department of Budget & Management (DBM) ng ikalawang inisyal na P1 bilyong ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga biktima ng Bagyong Odette.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DBM OIC Sec. Tina Rose Canda nuong Biyernes inilabas ang paunang P1 bilyong pondo na mula sa contigent fund ng pangulo.
Habang bago matapos ang 2021, inaasahang makapaglalabas ulit ang DBM ng P4 bilyon para sa mga Local Government Unit (LGU) na lubos na naapektuhan ng bagyo.
Saklaw ng inilabas na pondo ang mga apektadong LGU sa regions 4-A, 6, 7,8,10, at Caraga.
Ito ang mga rehiyon na una nang idineklara ni Pangulong Duterte na nasa ilalim ng state of calamity.
Una ng nangako si Pangulong Duterte na kakalap ng P10 bilyon para sa rehabilitation and recovery efforts para sa mga typhoon-affected areas.