Nagbabala ang Department of Budget and Management (DBM) sa publiko laban sa mga gumagamit ng pangalan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman para makapag-solicit ng pera.
Modus ng mga scammer na magpapakilalang si DBM Secretary Pangandaman gamit ang pekeng Facebook account, hihikayatin ang publiko at mangangakong may financial assistance na ipapadala sa pamamagitan GCash at hihingiin ang PIN.
Ayon sa DBM, kinokondena nila ang ganitong panlolokong aktibidad, nakikipag-ugnayan raw sila sa awtoridad para maimbestigahan at matukoy ang mga scammers at mapanagot sa batas.
Giit ng DBM nanatili ang integridad at transparency sa kanilang ahensya batay na rin sa existing laws, rules and regulations kaugnay sa pagri-release ng pondo.
Hindi raw nila ino-authorized ang sinumang indibidwal o grupo nag-solicit ng pera.
Hinikayat ng DBM ang publiko na maging vigilant laban sa mga scammer at agad na i-report ang kahalintulad na insidente at kahina-hinalang aktibidad sa numerong (02) 865-7-3300.