DBM, naglaan ng ₱66-M para sa vaccine solidarity trials sa 2021

Naglaan ang gobyerno ng nasa ₱66 million para sa partisipasyon ng Pilipinas sa solidarity trials na layong makahanap ng bakuna laban sa COVID-19.

Nakapaloob ang pondong ito sa panukalang ₱4.5 trillion national budget sa 2021.

Sa budget hearing sa Kamara, tinanong ni Iloilo 1st District Representative Janette Garin kung bakit mayroong budget para sa solidarity trials


Tugon ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado, ang pondo ay bahagi ng commitment na makadiskubre at ma-test ang mga potensyal na bakuna.

Una nang sinabi ng Malacañang na ang pondo para sa pagsali ng Pilipinas sa clinical trials para sa COVID-19 vaccine development ay nakapaloob sa proposed 2021 budget ng Department of Science and Technology (DOST).

Facebook Comments