DBM, naglaan ng ₱10.2 bilyon para sa proteksyon ng OFW

Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng ₱10.2 bilyon para sa Department of Migrant Workers (DMW) sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP).

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang pondo ay bahagi ng sektor ng social services na may pinakamalaking alokasyon sa panukalang pambansang budget.

Ilalaan ang pondo para sa mga distressed OFW at kanilang pamilya sa ilalim ng programang AKSYON Fund na nagbibigay ng legal, medical, financial at iba pang serbisyong pangsuporta.

Kasama rito ang repatriation, shipment ng labi, evacuation, at rescue operations.

Bukod dito, makatatanggap din ng ₱1.3 bilyon ang Support for the Emergency Repatriation Program sa susunod na taon.

Facebook Comments