Inaprubahan at nakatakda na rin ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang nasa higit ₱27 billion na pondo para sa mga healthcare worker na hindi pa nakukuha ang allowances.
Ito’y kasunod ng naging pangako ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ibigay ng buo ang mga Health Emergency Allowance (HEA) ng mga healthcare workers.
Ayon kay DBM Secretary Mina Pangandaman, bukas, July 5, 2024 ay nakatakda ng matanggap ang mga nasabing allowances.
Aniya, ang ₱27.453 billion ay ibabayad sa natitirang 5,039,926 na hindi pa bayad na Health Emergency Allowance gayundin sa 4,283 COVID-19 Sickness and Death Compensation claims.
Makatatanggap nito ang mga eligible healthcare at non-healthcare workers.
Matatandaan na unang hiniling ng Department of Health (DOH) sa DBM ang karagdagang pondo upang mabayaran at maibigay lahat ang nararapat sa mga manggagawa sa health sector.
Sa kabuuan, nakapagbigay na ang DBM ng ₱91.283 billion sa DOH para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) para sa taong 2021 to 2023.