MANILA – Naglabas ang Department of Budget and Management o DBM ng p11.8-bilyong pondo para sa National Irrigation Administration.Ayon kay DBM Secretary Butch Abad – ito ay para sa pagpapalawak ng irigasyon sa bansa.Una nang sinabi ni Christopher Morales, Chief Agriculturist ng Department Of Agriculture – wala pa silang natatanggap na pondo para sa el niño mitigation program kahit na mayroon na silang action plan noon pang 2014.Bukod dito – naglabas din ang DBM ng p500-milyon para sa quick response fund upang tugunan naman ang problema sa el niño.Pero iginiit naman ni Abad na ang pondong kanilang inilabas ay maaaring gamitin para sa pagsasaayos ng mga pumping system gayun din para sa irigasyon na nasalanta noon ng bagyong yolanda.Kung kukulangin pa aniya ang budget at ang quick response fund ay maaari namang humingi ng dagdag na pondo na ibabawas naman Sa National Disaster Risk Reduction and Management Council Fund.
Dbm – Naglabas Na Ng P11.8-Bilyong Pondo Para Sa Irigasyon Sa Bansa At P500-Milyon Para Naman Tugunan Ang Problema Sa El
Facebook Comments