DBM, naglatag ng mga sitwasyon kung kailan dapat magpatupad ng price cap ang pamahalaan

Naglatag ng ilang mga sitwasyon ang Department of Budget Management (DBM) kung kailan dapat magpatupad ng price cap ang pamahalaan.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, pangunahing dahilan dito ay kung may emergency situation tulad ng mga panahon ng kalamidad, tulad ng El Niño at mga bagyo.

Makatutulong aniya ang price cap para maiwasan ang sobrang pagtaas ng presyo ng mga produkto at dapat panatilihing abot-kaya ang presyo ng pagkain, tubig, at gamot.


Dagdag pa ni Pangandaman, maaari ding ipatupad ang price cap upang labanan ang market disruption tulad ng hoarding sa mga suplay para matulungan ang konsyumer hanggang sa maging matatag na ang sitwasyon.

Pangatlo naman, pwedeng bigyan ng ayuda ang partikular na sektor na apektado para maitama ang kakulangan ng merkado.

Halimbawa sa usapin ng bigas ay ang mga magsasaka, konsyumer, at maliliit na retailer.

Inihayag naman ni Pangandaman na buo ang suporta ng economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Executive Order No. 39.

Kailangan lamang aniyang agad na umaksyon ang pamahalaan laban sa mga pasaway na hoarders, at traders o mga negosyante.

Facebook Comments