DBM, nakapaglabas na ng ₱375-B pondo para sa laban kontra COVID-19

Aabot na sa ₱375 bilyon ang naipalabas ng National Government bilang pondo sa laban kontra COVID-19 ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Base sa tala ng DBM, ₱266.24 bilyon sa pondo ay galing sa mga programa at proyekto noong 2019 at 2020 budgets; ₱98.41 bilyon ang nagmula sa Special Purpose Funds at ₱10.25 bilyon ang mula sa Regular Agency Budgets.

Naipamahagi ang nasabing pondo sa Department of Social and Welfare Development (DSWD), Department of Finance (DOF), Social Security System (SSS), Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang ahensiya ng gobyerno.


Facebook Comments