DBM, nanindigang legal ang unprogrammed fund na nasa 2024 NEP

Nanindigan ang Department of Budget and Management (DBM) na legal ang unprogrammed appropriations na nakapaloob sa ₱5.768 trillion na national expenditure para sa taong ito.

Ito ang pahayag ng DBM matapos kwestyunin ng ilang kongresista sa Korte Suprema ang legalidad ng unprogrammed funds.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, dumaan sa matinding deliberasyon ng Kongreso ang nasabing budget kung kaya’t walang dapat ikabahala ang petitioners.


Tanggap naman daw ng DBM ang mga ganitong petisyon upang magkaroon din ng pagkakataon ang administrasyon na ipaliwanag ang legalidad ng kinukuwestyong budget.

Patunay rin daw na gumagana ang demokrasya sa bansa dahil iginagalang nila ang mga ganitong hakbang.

Paglilinaw pa ng kalihim na ang unprogrammed fund ay standby budget lamang at hindi magagamit ng basta na lamang.

Ang pondong nakalaan dito ay manggagaling pa sa maaaring maging sobrang tax collection o kaya ay sa foreign loan o grants.

Sakaling magkaroon ng excess revenues, kailangan pa rin daw magsumite ng mga documentary requirements ang sinumang ahensya ng gobyerno bago makakuha sa nasabing unprogrammed funds.

Facebook Comments