DBM, nilinaw na hindi nila iniipit ang 4th tranche ng salary standardization

Manila, Philippines – Nanindigan si Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi nila hinaharang ang implementasyon ng ika-apat na tranche ng salary increase ng mga government employee.

Sabi ni Diokno, nakasaad kasi sa batas na 2019 budget ang kailangang gamitin para rito.

Batay kasi sa Executive Order number 201 kung anong taon ipatutupad ang tranche ng taas sahod sa pondo rin ng taong iyon kukunin ang pondo.


Kaya maging sila aniya ay naghihintay na maipasa ang panukalang pondo para sa susunod na taon.

Una rito, dumulog sa Korte Suprema si House Majority Leader Rolando Andaya Jr. para maghain ng petition for mandamus na humihiling na mapabilis ang pag-aksyon ni Diokno sa naturang isyu.

Giit ni Andaya, hindi na ito dapat pinatatagal ni Diokno dahil mayroon pa namang ibang pwedeng pagkunan ng pondo.

Sagot naman ni Diokno, malugod niyang tinatanggap ang petisyon sabay giit na handa silang sumagot sa korte.

Facebook Comments