DBM, nilinaw na may pondo pa rin ang gobyerno para sa mga kalamidad sa kabila ng pagkaubos ng QRF ng ilang ahensiya

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na may pondo pa rin ang pamahalaan para sa mga lugar na sinalanta ng mga nagdaang sama ng panahon.

Kasunod ito ng pangamba ng ilan na ubos na ang Quick Response Funds (QRF) ng ilang ahensiya ng gobyerno dahil sa sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyo.

Paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, maaari pa ring humanap ng ibang mapagkukunang pondo ang mga concerned agency gaya ng Contingent Fund, Unprogrammed Appropriations, at Local Government Support Fund upang punan ang kanilang mga QRF.


Ang QRF ay built-in stand-by fund na ginagamit din sa relief at rehabilitasyon kapag may mga tumatamang kalamidad.

Hanggang ngayong Nobyembre aniya ay ubos na ang QRF ng Department of Social Welfare and Development at Department of Public Works and Highways kaya humihingi na sila ngayon ng replenishment.

Nasa humigit kumulang pitong bilyong piso naman ngayon ang Contingent Fund ng pamahalaan na pwedeng paghugutan ng pondo.

Facebook Comments