DBM, nilinaw na special provision ang paglalaan ng pondo sa Martial Law Museum

Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na ang special provision noong mga nakaraang taon, na tinukoy ng Memorial Commission para sa Martial Law Museum ay mga adjustment na ginagawa ng Kongreso.

Sinabi ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, matapos sabihin sa budget hearing ni Human Rights Violations Victims Memorial Commission Executive Director Carmelo Crisanto na sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program (NEP), walang special provision na nakapaloob para Martial Law Museum.

Ayon sa kalihim, ang special provisions para dito ay hindi talaga bahagi ng binabalangkas na budget ng DBM kada taon.


Ang pondo aniya para sa museum ay naka-kategoriya bilang trust receipts.

Ibig sabihin, available ang pondong ito.

Katunayan, sa ₱381 milyon na ini-release sa tanggapan noong 2021, nasa ₱127 milyon lamang ang nagamit.

Mayroon pa aniyang ₱254 milyon na balanse, at nananatili sa kanilang account, as of September 14, 2022, base na rin sa impormasyon mula sa LandBank.

Ayon sa kalihim dahil trust fund ito, mananatili itong available para sa kanilang tanggapan, hanggang ganap itong ma-utilized, subject pa rin sa budgeting, accounting, at auditing rules and regulations.

Facebook Comments