DBM: Niratipikahang 2024 national budget, malaking tulong para maisakatuparan 8 point socio economic agenda ng Marcos administration

Kumpyansa si Department of Budget and Management o DBM Secretary Amenah Pangandaman na malaking tulong sa Marcos administration ang Niratipikahang 2024 National Budget para maisakatuparan ang 2022- 2028 Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) at 8-Point Socioeconomic Agenda.

Ayon kay Pangandaman, ang pagratepika sa panukalang 2024 budget ay patunay nang commitment at suporta ng mga mambabatas upang maipasa sa tamang oras ang national budget na nagkakahalaga ng P5.768 trillion.

Ang 8-point Socioeconomic Agenda ng Marcos Administration ayon kay Pangandaman ay nakatuon sa food security, pagpapaganda sa public transport, abot kaya at malinis na enerhiya, healthcare, social services, education, bureaucratic efficiency, at robust fiscal management.


Samantala, ngayong naratipikahan na ang propose budget, sinabi ni Pangandaman nakatakda na ito para sa registration, printing at agad gagawin ang transmission sa Office of the President.

Facebook Comments