DBM, pinasalamatan ang Senado sa pagpasa ng batas na layong ayusin ang burukrasya ng ehekutibo

Nagpasalamat ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagpasa ng Senado kahapon sa Government Optimization Act.

Ito ay matapos lumusot kahapon sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukala na layong mas gawing episyente at maayos ang government workforce para sa pagseserbisyo publiko.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang pagpasa sa panukala ay patunay sa kanilang commitment sa maayos na burukrasya alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pamamagitan nito, sinisigurong ginagampanan nang ayos ng mga tanggapan ng pamahalaan ang kanilang tungkulin para sa ikabubuti ng mamamayan.

Babawasan na ang mga programa at proyektong itinuturing nang redundant o hindi na kinakailangan at napapanahon habang pagtutuunan ng pansin ang mga sektor at ahensiyang nangangailangan ng dagdag resources.

Ngayong Martes naman sasalang sa deliberasyon ng Bicameral Conference Committee ang naturang panukala.

Facebook Comments