Positibo ang Department of Budget and Management (DBM) na magtutuloy-tuloy pa rin ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2024.
Sa inilabas na pahayag ni Budget Secretary Amenah Pangadaman, ang resulta ng gross domestic product (GDP) growth rate na 5.6% sa huling quarter ng 2023 ay patunay lamang na ang Pilipinas ay unti-unting lumalago ang ekonomiya Asia Pacific Region.
Paliwang ng kalihim, nakikita ang unti-unting paglago ng bansa matapos ang nagdaang pandemya at mas kakaiba ang taong 2023 kumapara sa 2022 na sinumulan bumangon dahil sa sitwasyon ng COVID-19 bukod pa sa mga nagdaang gastos tulad ng eleksyon
Matatandaan na iiulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 5.6% na paglago sa ekonomiya ng bansa sa last quarter ng 2023 at bahagyang mas mababa ito kumpara sa 5.9% GDP noong ikatlong quarter ng taon at 7.1% growth rate sa kaparehong quarter ng 2022.
Dahil dito, mas mababa ang resulta sa target ng gobyerno na 6-7% noong nakaraang taon.