DBM: Proposed 2024 national budget, mananatiling naka-focus sa apat na prayoridad na sektor ng gobyerno

Apat na sektor sa pamahalaan ang nanatiling prayoridad para sa panukalang 2024 national budget.

Ito ang inihayag ni Department of Budget Management o DBM Secretary Amenah Pangandaman.

Ayon sa kalihim, ang apat na sektor na ito ay ang imprastraktura, agrikultura, kalusugan at edukasyon.


Sinabi pa ni Pangandaman, ang pagbibigay ng prayoridad sa mga sektor na ito ay nakabatay sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng Marcos administration at Philippine Development Plan 2023-2028.

Ito ay upang maipagpatuloy ang mga prayoridad expenditure items na magpapaangat ng ekonomiya ng bansa.

Magiging prayoridad din ayon kay Pangandaman ng 2024 national budget ang digital transformation, enterprise development, human capital development, climate action at disaster resilience.

Facebook Comments