DBM Sec. Benjamin Diokno – sinuhulan daw ng P40-million ang Kamara para manahimik sa isyu ng 2019 national budget insertion

Manila, Philippines – Tinangka umanong suhulan ni Budget Sec. Benjamin Diokno ang Kamara kapalit ng pananahimik hinggil sa kinukuwestiyong “pork insertions” sa proposed 2019 national budget.

Sa pagdinig ng Kamara kanina, ibinunyag ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr. na inalok ni Diokno ang Kamara ng 40-bilyong piso.

Nangyari aniya ito matapos siyang imbitahan ni DBM Usec. Mina Pangandaman sa isang lunch kasama si Diokno at isa pa nilang kaibigan.


Sinabi raw sa kanya ng kalihim na huhugutin ang P40-billion sa savings ng pamahalaan noong 2018.

Ayon kay Andaya – ito ang dahilan kung bakit ipinasusumite nila sa DBM ang mga dokumento na may kaugnayan sa pambansang pondo noong 2017 at 2018.

Mariin naman itong itinanggi ni Diokno at iginiit na walang basehan ang akusasyon ni Andaya.

Samantala, hindi na naman dumalo sa hearing si Diokno sa kabila ng ipinadalang subpoena laban sa kanya.

Facebook Comments