Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni DBM Secretary Benjamin Diokno na makukumpleto ang target ng pamahalaan na maisakatuparan ang 75 proyekto ng Duterte Administration sa taong 2020.
Sa ginanap Breakfast With Ben sa tanggapan ng DBM sinabi ni Diokno na optimistic ang kalihim na lahat ng mga proyekto ng pangulong Duterte ay maisakatuparan dahil 23 na proyekto na ang naipatupad sa 75 panukalang proyekto ng Duterte Administration.
Ipinagmalaki rin ng kalihim na masyadong masipag si pangulong Duterte kumpara sa mga nagdaang mga pangulo dahil umaabot na sa 30 cabinet meeting na simula noong day 1 ang kanilang naisakatuparan.
Paliwanag ni Diokno naging positibo na rin ang economic agenda ng pangulo dahil lumaki na rin ang ginastos ng pamahalaan sa mga ibat ibang proyekto na pumalo sa tumataginting na 28.2 percent sa buwan ng Oktubre taong ito kung saan isang indikasyon na lumalago ang ekonomiya ng bansa.
Giit ng kalihim ang ginastos ng National Govt.para sa buwan ng Oktubre ay tumaas ng 28.2 percent at umabot na sa 226.9 bilyong piso kung saan ito na umano ang pinakamatas na naital sa taong ito na kabaliktaran naman sa 6.9 percent ng kaparehong buwan noong nakaraang taon at bumababa ng 1.8 percent.