
Ipinaliwanag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang dahilan kung bakit siya inimbitahan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Pangandaman, nais malaman ng komisyon kung ano ang proseso ng National Expenditure Program (NEP), paano ito nagiging General Appropriations Act (GAA), at kung paano nagri-release ng budget.
Samantala, inaasahan naman ngayon ang pagdalo rin ni dating House Speaker Martin Romualdez matapos na maimbitahan ng komisyon sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control projects anomaly.
Facebook Comments









