DBM Secretary, hindi dapat palitan sa gitna ng mga isyu kaugnay sa pambansang budget

Binara ni House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Mika Suansing ang panawagang palitan na si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa gitna ng mga isyu ukol sa pambansang budget.

Ayon kay Suansing, mataas ang respeto niya kay Pangandaman at nakita niya ang sinseridad, dedikasyon, at integridad nito sa pagtatrabaho kaugnay sa pambansang pondo, lalo na sa paghahanda sa 2026 national budget.

Bukod kay Pangandaman, pinuri din ni Suansing ang mga kawani ng DBM na lubos na nagsisikap upang maisaayos at maging transparent ang proseso ng budget upang masigurong hindi maaabuso ang pondo, lalo na ang unprogrammed appropriations.

Ayon kay Suansing, maaaring may mga pagkukulang sa nakaraan pero malinaw aniya ang hangarin ng mga taga-DBM, sa pangunguna ni Pangandaman, na paigtingin ang mga evaluation at assessment guidelines sa ahensya.

Facebook Comments