Tiniyak ng Department of Budget and Management o DBM na tutulong sila sa anumang paraan para muling maisaayos at mapaganda ang nasunog na Manila Central Post Office o MCPO building.
Batay sa pahayag ng DBM, ang nasunog na MCPO building ay isa mga natitirang neoclassical buildings sa Pililinas na ideneklarang mahalagang cultural property ng National Museum.
Ang gusaling ito ayon sa DBM ay itinayo noong pang 1927 na dinesenyo ng mga Pilipinong arkitekto na sina Tomas Mapua at Juan Arellano.
Ayon naman kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, mahigpit na silang nakikipag-ugnayan ngayon sa Philippine Postal Corporation at iba pang concerned agencies para matukoy ang lawak ng pinsala ng sunog.
Nakikinig rin daw ang DBM sa plano maging ang pagtukoy nang kailangang tulong para mapadali ang pagsasaayos ng MCPO building.