Target ng Department of Budget and Management (DBM) na maisumite nila sa kongreso ang panukalang 2023 national budget sa Agosto 22.
Sa isinagawang Post-SONA Economic Briefing, sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, nais talaga ng DBM na maagang maipasa ito sa kongreso para maaprubahan agad bago matapos ang taong kasalukuyan
Dagdag pa ni Pangandaman, kabilang sa prayoridad na sektor na makakakuha ng pinakamalaking pondo sa 2023 national budget ay ang edukasyon at kalusugan.
Kasama din aniya ang infrastructure sector kung saan ipagpapatuloy ang ‘Build, Build, Build’ program.
Ayon pa kay Pangandaman, maglalaan din ng malaking pondo para sa sektor ng agrikultura upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na na kung saan kabilang sa mga prayoridad na binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.