Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na patuloy silang maghahanap ng karagdagang pondo sakaling palawigin pa ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon ay Budget Spokesperson Assistant Secretary Rolly Toledo, nakabase pa rin ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang may ayuda kapag isinailalim sa ECQ ang isang lugar.
Aniya, gagawin lahat ng pamahalaan para suportahan ang mga apektadong residente.
Sinabi rin ni Toledo na mula sa Certified Savings ng Fiscal Year 2022 Continuing Appropriation alinsunod sa Administrative Order no. 41 o saving ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang ayudang ipapamahagi sa NCR at ilan pang lugar na nasa ilalim ng ECQ.
Facebook Comments