Siniguro ng Department of Budget and Management (DBM) na susuportahan nila ang lahat ng operasyon para sa disaster rescue at relief sa harap ng banta ng Super Typhoon Betty.
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, pwedeng gamitin ng kaukulang mga ahensya ang kanilang Quick Response Fund (QRF).
Ang QRF ay alokasyon para sa kalamidad at standby fund ng frontline agencies para agarang matulungan ang mga apektadong lugar.
Bukod dito, may hiwalay na National Disaster Risk Reduction and Management Fund na ginagamit pagkatapos ma-assess ang pinsala ng bagyo.
Batay pa sa ulat ng DBM, mayroon pang P18.3 billion na calamity fund na maaaring gamitin hanggang katapusan ng taon.
Facebook Comments