DBM, tiwalang lalo pang lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na quarter ng 2024

Tiwala ang Department of Budget and Management na patuloy pang lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na quarter ng taon.

Ito ay matapos na mas gumanda ang ekonomiya ng bansa at lumago ng 5.7 percent ngayong 1st quarter ng 2024.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, pangunahing nakatulong dito ang paglakas ng manufacturing sector, wholesale and retail trade, industriya ng mga sasakyan, at professional and business services.


Kaugnay nito, ipagpapatuloy ng Economic Team ang Philippine Development Plan 2023-2028 partikular ang pagpapababa ng antas ng kahirapan bago matapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments