
Tiniyak ng Dagupan City Police Office (DCPO), sa pangunguna ni OIC City Director PCOL Orly Z. Pagaduan, ang maayos na daloy ng programa at kaligtasan ng publiko sa ginanap na Simultaneous Christmas Lighting Ceremony sa lungsod.
Pormal na inilunsad ang kapaskuhan sa Dagupan sa sabayang pag-iilaw ng mga pangunahing dekorasyon, kabilang ang malalaking Christmas tree sa City Plaza at U-Turn Rotonda, gayundin ang makukulay na ilaw sa Magsaysay Bridge at Quinto’s Bridge.
Sinimulan ang programa sa isang misa na pinangunahan ni Msgr. Manuel Bravo, na sinundan ng mga mensahe mula sa mga opisyal ng lungsod at maikling pagtatanghal. Nagtapos ang seremonya sa sabayang pag-iilaw ng lahat ng Christmas installations. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









