DDB, aminado na mga mahihirap lamang ang napapatay sa war on drugs

Manila, Philippines – Naniniwala si Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Soriano sa resulta ng Social Weather Stations survey na nagpapakita sa pananaw ng publiko na mga mahihirap ang napapatay sa kampanya laban sa droga.

Sa news conference sa QC, sinabi ni Santiago na hindi maiiwasan na mapuruhan ang mga maralitan dahil sa kahirapan .

Dahil sa kawalan ng oportunidad, napipilitan ang mga ito na pasukin ang gawaing pagtutulak ng droga.


Pero, hindi siya Naniniwala na gobyerno ang nasa likod sa mga pagpatay dahil hindi kultura sa AFP at PNP ang istilo na balutin ng masking tape ang mga biktima.

Mas malamang aniya na mga asset ito ng sindikato na pinatahimik.

Aminado rin si Santiago na na unprecedented o hindi pa nangyari sa nagdaang panahon ang dami ng napapatay sa war on drugs.
Gayunman, malinaw ang idinulot nito na lumikha ito ng takot partikular sa mga pinuno ng sindikato na nagtatago na sa labas ng bansa

Facebook Comments