Manila, Philippines – Inirekumenda ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang bagong talagang pinuno ng Dangerous Drugs Board na si retired general Dionisio Santiago bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ito ang kinumpirma ni Justice Undersecretary Erickson Balmes sa isang mensahe.
Si Santiago ay katatalaga pa lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng Dangerous Drugs Board nuong isang linggo.
Siya ang papalit kay retired Police General Benjamin De Los Santos bilang Bureau of Corrections Director General na naghain ng kanyang irrevocable resignation kahapon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Si Santiago ay dating heneral at naging pinuno din ng Philippine Drug Enforcement Agency magmula taong 2006 hanggang 2011.
Facebook Comments