Manila, Philippines – Kung ano ang utos ng presidente ay susundin ko, ito ang pahayag ni Dangerous Drug Board Chairman Dionisio Santiago kasunod ng rekomendasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na siyang iupo bilang bagong pinuno ng Bureau of Correction (BuCor).
Naniniwala si Aguirre na malaki ang maitutulong ni Santiago para matutuldukan ang pamamayagpag ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison.
Sa interview ng RMN kay Santiago, kung siya ang tatanungin ay handa niyang tanggapin ang dalawang ahensya.
Sakaling maupo sa BuCor – sinabi ni Santiago na irerespeto niya ang mga miyembro ng special action force na siyang nagbabantay ngayon sa bilibid.
Pero sakaling naimpluwensyahan ang mga ito ng kalakaran sa loob ay mapipilitan siyang babalasahin ang BuCor.
Samantala, binanggit pa ni Santiago na kung siya ang muling mamumuno sa ahensya lalapit siya sa Dept. of Budget and Management para hilingin ng ang karagdagang suweldo sa mga tauhan ng BuCor.
Nabatid na noong taong 2003, budget ang pangunahing problema ni Santiago nang maupo itong BuCor Chief.