DDB, pumalag sa resolusyon ng UNHRC

Dismayado ang Dangerous Drugs Board (DDB) sa pagpayag ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na ituloy ang preliminary investigation sa human rights situation sa bansa.

Sa isang kalatas pambalitaan, kinondena ng DDB ang aksyon ng naturang international human rights watchdog ang pagpapatibay ng resolusyon ng Iceland dahil hindi man lamang nangalap ng sapat na katibayan katulad ng pagkuha muna sana sa panig ng gobyerno.

Dahil dito, nabalewala lamang ang mga nagawa ng administrasyong Duterte partikular ang mga nakamit na  tagumpay sa giyera kontra droga.


Kabilang dito ang hindi naibabalita na malaking kabawasan sa drug supply dulot ng pinaigting na drug operation at paglansag ng mga drug laboratory.

Gayundin ang milyong drug dependents na napasuko at napaisailalim sa rehabilitation.

Wala rin umanong   konkretong ebidensya ang UNCHR para patunayan na ang mga patayan nangyari ay bahagi ng isang polisiya ng gobyerno.

Idinagdag sa statement na sa ngayon ay mayroong mga procedures at protocols ang gobyerno para pagkalooban ng kaukulang interventions ang mga Persons Who Use Drugs o PWUDs na kusang sumuko sa otoridad.

Facebook Comments