DOLE, pinag-uusapan na ang win-win solution sa pagitan ng mga empleyado at pamunuan ng Sofitel kasunod ng pagsasara ng naturang hotel

Aminado ang Department of Labor and Employment (DOLE) na wala pang malinaw na kasunduan sa pagitan ng mga empleyado at pamunuan ng Sofitel Philippine Plaza Manila.

Kaugnay ito ng napipintong pagsasara ng Sofitel hotel sa katapusan ng buwan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na pinag-uusapan sa pamamagitan ng National Conciliation and Mediation Board kung paano magkakaroon ng win-win solution sa magkabilang panig.


Ayon kay Laguesma, ilan sa mga nireresolba ng DOLE ay ang iginigiit ng mga empleyado na matiyak na muli silang makababalik sa trabaho sakaling magbukas muli ang nasabing hotel.

Mayo nang naghain ng Notice to Closure ang pamunuan ng Sofitel para sa isasagawang renovation ngunit kinwestyon ito ng mga empleyado.

Duda ng mga empleyado, posibleng ang pagbibigay ng benepisyo sa mga empleyado ang tunay na dahilan ng pagsasara nito at hindi ang kalagayan ng istruktura ng gusali.

Facebook Comments