DDS, tinabla ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang sumupalpal sa kahilingan ng mga Duterte diehard Supporters o DDS na sibakin na niya si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque.

Ito ay matapos ipanawagan ng blogger supporter ng Pangulo na si Thinking Pinoy o RJ Nieto sa kanyang mga followers na ikalat ang kanilang kagustuhan na matanggal na si Roque bilang tagapagsalita ng Pangulo.

Sinabi kasi ni Nieto na nagkamali si Pangulong Duterte sa pagpili kay Roque bilang tagapagsalita matapos nitong depensahan ang mainstream media sa ilan nitong pahayag.


Ayon kay Roque, sa isang text message sa media ay hindi siya sinisibak ni Pangulong Duterte.

Pero kung gusto aniyang malaman ng media kung ano ang saloobin ng pangulo sa issue ay si pangulong Duterte na mismo ang dapat tanungin.

Sa ngayon ay nasa Vietnam si Roque kasama si Pangulong Duterte na dumadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Facebook Comments