Tuesday, January 27, 2026

‘De Facto Martial Law’ claim, binasura ng Palasyo

Ito lamang ang opisyal na tugon ng Malacañang sa pahayag ni Congressman Leandro Leviste na nasa ilalim umano ng “De Facto Martial Law” ang Pilipinas.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi lahat ng maling opinyon ay nararapat pang patulan o sagutin ng pamahalaan.

Giit ng Palasyo, kung totoo ang sinasabi ng ilang kritiko, mismong ang media ang unang makakaramdam ng panunupil.

Ngunit nananatiling malaya ang media sa kanilang pagbabalita at walang pinipigilang opinyon.

Nilinaw din ng Malacañang na hindi target ng administrasyon ang mga kritiko.

May mga indibidwal umanong patuloy na nang-aakusa at gumagamit ng masasakit na salita laban sa pangulo at sa pamahalaan, ngunit hindi naman sila kinakasuhan o pinapatahimik.

Facebook Comments