De La Salle University, nakapag-develop ng “Wearable Robots” na tutulong sa mga physical therapist

Nakapag-develop ang De La Salle University Institute of Biomedical Engineering at Health Technologies (DLSU-IBEHT) ng mga “wearable robots.”

Pinanganalanan ang mga ito na sina “Agapay” at “tayo” para tulungan ang nasa 33,000 lisensyadong physical therapist sa bansa.

Ang dalawang proyekto ay kauna-unahang Filipino-made physical therapy equipment na may suporta mula sa Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD).


Idinisensyo si “Agapay” bilang isang external skeleton na tumutulong sa motor movements ng mga pasyente.

User-friendly ang Artificial Intelligence-assisted therapy innovation technology nito, at adjustable sa specifications ng pasyente.

Target ni “Agapay” ang mga stroke patients.

Trabaho naman ni “Tayo” ay tumulong sa pag-minimize ng lifting, mobilizing, at paglilipat ng mga pasyente.

Ang “Tayo” project ay nasa clinical testing stage at inaasahang matatapos sa May 2020.

Facebook Comments